Kinilala ang pumatay sa mga biktima bilang si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca. Kitang kita sa video ang insidente ng pamamaril na ngayon nga ay viral na sa buong mundo.
Nangyari ang pagpatay sa mga biktima sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, noong December 20. Itong ebidensiya laban sa brutal na pagpatay ni Nuezca, na residente rin ng Barangay Cabayaoasan pero nakadestino sa crime laboratory ng Parañaque City Police.
Ayon sa GMA News kay Police Lieutenant Colonel at chief of Parañaque Police Station Noriel Rombaoa, sinabi nitong nagsimula sa paputok ng Buga ang kaguluhan dahil pinuntahan ni Nuezca ang mga biktima para sitahin.
Nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap ng magkabilang panig dahil naungkat ang matagal nang alitan nila tungkol sa right of way. Makikita at maririnig sa viral video ang pagsusumamo ng mga saksi kay Nuezca na maghunos-dili, pero hindi ito nag dalawang isip na pagbabarilin sa ulo ang mag-ina matapos sumigaw ang kanyang batang anak na babae na "My father is a policeman!"
Sumali rin ang bata sa pananakit kay Sonya habang ibini-video niya ang kaganapan. Mabilis na kumalat sa buong mundo ang viral video ng krimen kaya hindi nakaligtas si Nuezca at ang anak nito mula sa matinding galit at paghuhusga ng mga tao.
Comments
Post a Comment